Saturday, July 18, 2020

Ang Ingay

Ang ingay nanaman ng mundo,
Litong-lito, gulong- gulo,
Sino nga ba ako?
Saan nga ba ako patungo?

Kailan ba magiging sapat?
Sa mundong ito bawat galaw may sukat
Tama na!
Pagod na pagod na ako
Pwede bang tumigil na lang dito?
Ayoko naaaaaaaa!

Hingang malalim
Lilipas din ito
Utak ko'y nanggugulo
Paano ba patahimikin toh?

Okay lang ako
Magiging okay din ako
Ang ingay ingay nanaman ng utak ko
Sa aking Ama'y nagsumamo

Tahan na, anak,
Sa Akin ika'y mahalaga
Sa Akin ika'y walang katumbas

Tumahimik ang mundo
Tumigil ang mga luha
Humiga at sa wakas ay nakatulog ng mahimbing

No comments:

Post a Comment